Handa ang House Prosecution Panel sa inanunsiyong pagbabago ng mga petsa ng paglilitis sa Oktubre, batay sa inihayag ni Presiding Officer Chiz Escudero.
Umaasa si Rep. Terry Ridon na matatapos sa loob ng itinakdang panahon ang mga ipiprisintang ebidensya, lalo pa’t magiging full-day o buong araw ang mga pagdinig sa ilang araw sa Oktubre.
Layon din ng pagbabago sa mga petsa ng paglilitis na bigyang-daan ang mga deliberasyon ng Kongreso para sa proposed 2027 national budget.
Para naman kay House impeachment team adviser at Spokesperson Ace Barbers, mas mapapabilis sana ang paglilitis kung sasang-ayon ang depensa na mag-stipulate ng facts at hindi na ito gawin pa kapag nakasalang na sa witness stand ang testigo ng prosecution.