Mabilis na paghupa ng mga baha, pinuri ng DOJ
Pinuri ng Department of Justice ang pagsusumikap ng iba pang tanggapan ng gobyerno upang labanan ang pagbaha.
Ito ay kasunod ng mga nagdaang mga pag-ulan kung saan nilubog ng tubig ang malaking bahagi ng Metro Manila.
Ayon kay Justice Secretary Fredderick Vida Napansin nila na mabilis humupa ngayon ang baha kumpara noon at nagpapasalamat sila dito.
Pagtitiyak naman ng kalihim baha man o hindi, tuloy-tuloy pa rin ang trabaho ng kagawaran. | ulat ni DK Zarate