Photo courtesy of Department of Social Welfare and Development (DSWD)
Patuloy ang pag-agapay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha sa Central Luzon, partikular sa Lalawigan ng Pampanga.
Nag-deploy ang DSWD ng Mobile Water Tank bilang dagdag na suporta sa Central Luzon, habang naglaan naman ang Pampanga Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Mobile Water Filtration System.
Naka-preposisyon ang dalawang kagamitan sa Pampanga Food Security Complex, malapit sa mga evacuation center, para agad na magamit para sa suplay ng malinis at ligtas na tubig ng mga evacuee.
Ayon sa DSWD, mahalaga ang access sa malinis na tubig upang maiwasan ang water-borne diseases, lalo na sa mga bata at matatanda.
Kaugnay nito, nagpapatuloy rin ang hot meal operations ng DSWD FO3 para sa mga pamilyang pansamantalang nananatili sa evacuation centers gayundin ang pamamahagi ng family food packs na nasa ikalawang wave na sa Pampanga.