Ipinunto ni Energy Secretary Sharon Garin na nananatili ang commitment ng Administrasyong Marcos upang pataasin pa ang share ng renewable energy sa kasalukuyang energy mix ng bansa kung saan isa sa key factors ang geothermal energy.
Sa isinagawang 7th Philippine International Geothermal Conference sa Lipa City, Batangas hinimok ni Energy Sec. Garin ang mga investor na samantalahin ang mga inihahaing programa ng pamahalaan partikular na sa exploration ng karagdagan pang geothermal sites.
Ani Garin, maraming positibong epekto sa bansa ang pagpapalawak pa ng geothermal development upang mapataas pa ang energy security status ng Pilipinas.
Isa rin itong paraan upang patuloy na mamayagpag ang Pilipinas bilang world’s second-largest geothermal energy producer.
Dagdag pa ng kalihim, na ang geothermal energy rin ay isa sa pinakamagandang energy source, upang ma-maximize ang potensiyal nito ay kinakailangang lalo pang protektahan ng energy companies ang kalikasan kabilang na ang mga katubigan, puno, at maging ang mga lokal na komunidad.