Screenshot
Pinabulaanan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang kumakalat na impormasyon online na umano’y magbibigay ang Department of Agriculture (DA) ng bigas sa mga hog raisers na nalugi dahil sa mababang presyo ng baboy.
Ayon kay Laurel, hindi siya ang pinagmulan ng naturang pahayag.
Hinikayat ng kalihim ang publiko na huwag agad maniwala o magbahagi ng mga post na walang malinaw at beripikadong pinagmulan.
Pinayuhan ding suriin muna ang impormasyon sa mga opisyal na channel ng DA bago ito paniwalaan o ipakalat.