Tiniyak ng NLEX Corporation ang pagpapaigting ng flood response operations nito partikular sa NLEX San Simon, Pampanga na nagdulot ng matinding trapiko sa mga nakalipas na araw.
Kabilang sa mga hakbang ang paglalagay ng flood barriers, pumping operations, at sandbagging para mapababa ang water level at mabawasan ang epekto ng pagbaha.
Katuwang nito sa operasyon ang Department of Transportation (DOTr), Department of Public Works and Highways (DPWH), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Philippine Coast Guard (PCG), Armed Forces of the Philippines (AFP), at mga provincial at local government ng Pampanga.
Matatandaang ininspeksyon din kahapon ni DPWH Secretary Vince Dizon ang NLEX San Simon section kung saan hiniling ni Dizon ang tulong ng NLEX para sa dredging ng Tulaoc River.
Nananatili namang prayoridad na maging passable ang NLEX sa kabila ng mga pag-ulan.
Una na ring tiniyak ng Toll Regulatory Board (TRB) na mare-reimburse ang mga motorista na gumamit ng RFID para sa mga toll charge na naibawas sa kanilang account habang libre ang toll sa Pulilan-San Fernando stretch ng NLEX.
📸 NLEX Corp

