Naglabas ang Malacañang ng Memorandum Circular No. 134 na nag-aatas sa pagpapatupad ng alternative learning modes at mga learning continuity measure sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa National Capital Region (NCR) at 15 lalawigan sa Luzon ngayong Biyernes, Setyembre 4, 2026.
Ayon sa Malacañang, isinagawa ang hakbang na ito dahil sa inaasahang patuloy na malakas na pag-ulan na dulot ng pinalakas na Southwest Monsoon (Habagat). Bukod dito, pinalala rin ang kalagayan sa NCR ng mababang kalidad ng hangin dahil sa haze mula sa matitinding forest at peatland fires sa Kalimantan at Sumatra, Indonesia.
Nilinaw ng Malacañang na maipapatupad ang alternative learning modes sa mga sumusunod na rehiyon at lalawigan, maliban na lamang kung mag-aatas ng direktang kanselasyon o suspensyon ng klase ang kani-kanilang mga lokal na pinuno (Local Chief Executives):
Mga Sakop na Lugar ngayong Setyembre 4:
- National Capital Region (NCR)
Ilocos Region (Region I)
- Ilocos Norte
- Ilocos Sur
- La Union
- Pangasinan
Cordillera Administrative Region (CAR)
- Abra
- Benguet
Central Luzon (Region III)
- Bataan
- Bulacan
- Pampanga
- Tarlac
- Zambales
CALABARZON (Region IV-A)
- Batangas
- Cavite
- Laguna
- Rizal: Antipolo – face-to-face classes in all levels, both public and private
MIMAROPA (Region IV-B)
- Occidental Mindoro
REGION VII (CENTRAL VISAYAS)
- Cebu City : Face-to-face classes sa lahat ng antas, pampubliko at pampribado
Ipinaalala rin ng pamahalaan na ang localized na kanselasyon o suspensyon ng klase sa iba pang mga lugar na hindi kabilang sa listahan ay nananatiling nasa diskresyon ng kani-kanilang mga Local Chief Executive.
I-refresh ang pahinang ito para sa mga karagdagang anunsyo mula sa inyong lokal na pamahalaan.