Iniutos ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Markus Lacanilao ang pag-iisyu ng Show Cause Orders (SCOs) laban sa drayber, rehistradong may-ari, at LTO-accredited importer ng isang sports car matapos matukoy ang iregularidad sa pagpaparehistro nito.
Pinagsusumite ang mga sangkot ng sinumpaang salaysay at mga kaukulang dokumento sa LTO Intelligence and Investigation Division (IID) sa September 8.
Inatasan din ang drayber na isuko ang kanyang lisensya at sasailalim sa 90-araw na preventive suspension, habang ang sasakyan ay isinuko sa kustodiya ng LTO para sa beripikasyon at imbestigasyon.
Giit ni Asec. Lacanilao, dapat tama at lehitimo ang dokumento, rehistro, at proseso ng bawat sasakyan.
Patuloy naman umanong paiigtingin ng LTO ang monitoring at enforcement laban sa mga iregularidad sa pagpaparehistro ng mga motor vehicle.