Binigyang-diin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang napakahalagang papel ng mga guro sa mga isinasagawang pagsasanay kabilang na ang isinagawang National Simultaneous School Safety Drill.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, mga guro ang nagsisilbing unang line of defense sa mga paaralan dahil sila rin ang gagabay sa mga estudyante kung saan ang pinaka-ligtas na lugar sakaling may mangyaring sakuna o maganap ang isang akto ng karahasan.
Mahalaga rin ang papel ng mga guro sa pagpapaalam sa mga otoridad ng mga nangyayari upang agad na maka-responde ang mga ito.
Hirit ni Remulla, na umpisa pa lamang ito ng serye ng mas maraming pagkatuto ng mga educational institution at maging ng pamahalaan upang mas mapaigi ang koordinasyon sa crisis management and preparedness.
Hinimok din ni Remulla ang mga uniformed personnel, na lalo pang pag-ibayuhin ang kanilang kaalaman upang mas maging epektibo ang kanilang pag-responde sa panahon ng sakuna o anomang hindi inaasahang insidente.