Maghihigpit na naman ng sinturon ang mga motorista dahil sa inaasahang panibagong pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa pagtaya ng Department of Energy (DOE), asahan na ang ₱4.00 hanggang ₱4.50 na pagtaas sa kada litro ng diesel.
Maglalaro naman ang taas-presyo sa kada litro ng gasolina sa ₱3.50 hanggang ₱4.00.
Habang sa kerosene, asahan ang dagdag-presyo na maglalaro sa ₱ 5.05 kada litro. Ang nasabing pagtaas ay sinasabing dahil sa panibagong pag-atake ng US sa Iran.