Photo courtesy of Philippine Red Cross
Nanawagan ang Philippine Red Cross sa publiko na magbigay ng donasyon para sa mga pamilyang apektado ng Habagat.
Patuloy ang relief operations ng PRC sa mga lugar na naapektuhan ng kalamidad.
Isang PRC Food Truck ang bumiyahe patungong Zambales mula sa National Headquarters sa Mandaluyong, sakay ang mga kinakailangang relief supplies para sa mga apektadong komunidad.
Kabilang sa mga serbisyong isinasagawa ng PRC ang pamamahagi ng hot meals, medical assistance, rescue operations, at iba pang relief support.
Hinikayat ng PRC ang publiko na magbigay ng donasyon upang masuportahan ang kanilang patuloy na humanitarian operations at maihatid ang kinakailangang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng Habagat.