Bam Aquino FB
Pinapurihan ni Senador Bam Aquino ang paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa batas na mag-aamyenda sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act.
Ayon kay Senador Aquino, isang milestone move ang ginawang ito ni Pangulong Marcos Jr. dahil masasama na rin sa nasabing batas ang financial assistance para sa internships at related learning experience o RLE programs ng mga estudyante.
Isa nga sa mga makikinabang dito ang mga nursing at allied health sciences students na ang RLE ay karaniwang pumapalo sa ₱20,000 hanggang ₱80,000.
Isa rin umano itong katuparan sa pangako sa mga nursing at allied health sciences students na tulong pinansiyal. Isa umano itong uri ng pagpapalakas para sa expanded Free College education law.