Photo Courtesy of PHIVOLCS
Nakapagtala ang PHIVOLCS ng isang volcanic earthquake sa Bulkang Bulusan sa nakalipas na 24 oras, batay sa kanilang ulat ngayong September 5, 2026.
Nasa 161 tonelada/araw ang sulfur dioxide flux sa naturang bulkan, batay sa kanilang pinakahuling monitoring nitong August 28, 2026.
Naitala rin ang panandaliang pamamaga sa bulkan.
Sa ngayon, nakataas ang Alert Level 1 sa Bulkang Bulusan, kung kaya’t mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 4-km Permanent Danger Zone at ang pagpasok nang walang pag-iingat sa 2-km Extended Danger Zone o EDZ sa gawing timog-silangan.
Ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan. Pinaalalahanan din ng ahensya ang publiko na posibleng maganap ang biglaang pagputok ng steam o phreatic explosion anumang oras.