Iginiit ni Philippine Coast Guard o PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Jay Tarriela na isang malinaw na paglabag sa soberanya ng Pilipinas ang ginawang pananatili ng marine research vessel ng China sa katubigang sakop ng Bajo de Masinloc.
Ani Tarriela, aabot sa dalawampu’t-limang araw ang naging operasyon ng 76-meter survey vessel na Haiyang Dizhi Shihao sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa at halos tatlong linggo ring nanatili sa mismong territorial sea ng Bajo de Masinloc.
Mayroon ding drilling capabilities ang nasabing research vessel, kung saan nagsagawa rin ito ng Marine Scientific Research o MSR na walang anumang basbas mula sa Pilipinas.
Hindi umano kasi nakipag-ugnayan ang China sa Department of Foreign Affairs hinggil sa isinasagawa nilang MSR.