Tinatayang umabot sa 12,029 examinees ang dumalo sa unang araw ng 2026 Bar Examinations na isinagawa ngayong September 6 sa 15 local testing centers sa buong bansa.
Ayon sa Supreme Court, mula sa 13,441 admitted applicants, 12,029 ang aktuwal na nag-take ng pagsusulit sa unang araw.
Sa kabuuang bilang ng mga examinee, 6,773 o 56.3% ang babae, habang 5,256 o 43.7% ang lalaki.
Pinakabata sa mga kumuha ng Bar Exam ngayong taon ang isang 24-anyos na examinee, habang 84-anyos naman ang pinakamatanda.
Kasama rin sa mga examinee ang 304 persons with disabilities at 285 senior citizens.
Ngayong unang araw ng pagsusulit, hinarap ng mga examinee ang mga subject kaugnay ng Political and Public International Law at Commercial and Taxation Laws.
Nakatakda rin ang ilang bahagi ng Bar Exam sa darating na September 9 at 13.