📷 File photo
Lunsod ng Marikina ang unang aktibidad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa araw na ito.
Pakay ng Pangulo na inspeksiyunin ang solid waste management system na ipinatutupad ng lunsod.
Kabilang dito ang pagpapatupad ng No Segregation, No Collection na nakabatay sa City Ordinance No. 046, Series of 2002, na nag-uutos ng segregation ng biodegradable at non-biodegradable waste.
9:00 AM inaasahan ang Pangulo sa Marikina City Environmental Management Office sa Agora Complex, Barangay Sto. Niño kasama si DENR secretary Juan Miguel Cuna, Congressman Marcelino Teodoro at Marikina Mayor Maann Teodoro.
2:00 PM ay tutulak ang Pangulo sa Lipa city sa Batangas para sa gagawin nitong pagbisita sa Lipa-Malvar Estate Development gayundin sa Batangas State University Lima Campus at 1st anniversary ng Global Technical Center of Excellence.