Pinangunahan ni Cabinet Secretary Benhur Abalos ang “Run for the West Philippine Sea” na naglalayong mabigyang diin ang kailangang proteksiyon sa kabuhayan ng mga Pilipinong mangingisda na naruruon sa nasabing maritime area.
Ayon kay Secretary Abalos, layunin din ng ginawang pagtakbo na palawakin ang kamalayan ng publiko, palakasin ang pagkakaisa ng mga Pilipino, at isulong ang pangangalaga sa maritime territory ng bansa para sa mga susunod na henerasyon.
Ayon kay Abalos, importante na maipaabot ang mensahe hinggil sa pagtindig sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea gayung ito ay sa Pilipinas.
Pagbibigay ng Kalihim, ang ganitong mga pagkakatipon ay pagtindig na din sa kinabukasan at dangal ng sambayanang Pilipino
Nasa apat na libong mga runners ang nakilahok sa nasabing “Run for the West Philippine Sea.”