Ininspeksyon ni ES Ralph Recto (na nakasuot ng makinang na asul na polo) ang patuloy na pagpapatayo ng Bukidnon Airport sa Don Carlos noong Biyernes (Setyembre 4, 2026). Nagpapanukala ang administrasyong Marcos ng karagdagang PHP300 milyon sa ilalim ng 2027 pambansang badyet upang matapos ang proyekto sa susunod na taon upang mapabuti ang konektibidad, magdulot ng mga pamumuhunan, lumikha ng mga trabaho, at mapabilis ang pagbibiyahe ng mga produktong agrikultural ng Bukidnon sa mas malalawak na merkado. (Litrato mula sa Tanggapan ng Executive Secretary
Tatlong daang milyong piso ang nakatakdang idagdag ng Administrasyon para sa ipinapagawang Bukidnon Airport na target na matapos sa susunod na taon.
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, ilalakip sa 2027 National Budget ang pondong idaragdag para sa tinatapos ng paliparan.
Kung maidaragdag ang P300 milyong budget ay aabot na sa P1.6 billion ang maai-allocate ng Administrasyon sa nasabing airport.
Isang bilyong piso ang una ng nai-allocate nuong ng Administrasyon nuong 2022 na sinundan ng P310 million nung 2024 at P50 million naman nuong 2025.
Sa.sandaling matapos, magbibigay ang airport sa Bukidnon ng direktang koneksyon sa mga pangunahing sentro ng ekonomiya at turismo sa buong bansa bukod pa sa makapagbibigay ito ng maraming hamapbuhay.