Nilimitahan na ang pagpapakawala ng tubig sa tatlong dam sa Luzon.
Sa pinakahuling monitoring ng PAGASA Hydrometeorology Division, dalawang gate na lamang ang bukas sa Ambuklao Dam, mula sa tatlong gate kahapon, habang dalawa rin ang nakabukas sa Binga Dam.
Nananatili ring bukas ang dalawang gate sa San Roque Dam, na nagdi-discharge ng tubig sa 659.32 cubic meters per second, mula sa 734.17 CMS kahapon.
Samantala, patuloy namang tumataas ang antas ng tubig sa ilang dam sa gitna ng patuloy na pag-ulan.
Kabilang dito ang Angat Dam, na umabot na sa 205.81 meters, o mas mataas ng 0.73 meters kumpara
kahapon. Tumaas din ang water level sa Pantabangan, Magat, at Caliraya dams.