Naabot na rin ng tulong mula sa pamahalaan ang 11 isolated na barangays sa Botolan, Zambales na apektado ng masamang panahon.
Ayon sa Office of Civil Defense Central Luzon, kabuoang 4,564 food packs galing ng Botolan Local Government Unit at Provincial Government ng Zambales ang nadala sa 11 barangay sa pamamagitan ng airlift.
Dinala ang food packs sa barangay Villar, Moraza, Belbel, Burgos, Maguisguis, Poonbato, Cabatuan, Owaog, Palis, Nacolcol, at Malomboy.
Ayon sa OCD Central Luzon, isinagawa ang relief operation sa koordinasyon sa Philippine Air Force sa pamamagitan ng kanilang Tactical Operations Group 3 at iba pang mga ahensya.
Nabatid noong mga nakalipas na araw ay hindi naging accessible o hindi mapasok ang naturang mga barangay dahil sa masamang panahon at pagbaha dahil sa umapaw na ilog.

