Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang kahandaan para tugunan ang mga alalahanin ni Vice President Sara Duterte hinggil sa kaniyang seguridad at patunayan ang kanilang pagiging propesyunal, patas at nakatutok sa kanilang mandato.
Ayon kay PNP Chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., kanilang iginagalang ang mga sentimyento ng Pangalawang Pangulo hinggil sa kaniyang seguridad at ng kaniyang pamilya.
Pagtitiyak ng pinuno ng Pambansang Pulisya, ipatutupad ng pulisya ang batas at poprotektahan ang bawat Pilipino anuman ang kaniyang kulay sa pulitika, salig sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ginawa ni Nartatez ang pahayag matapos maglagak ng piyansa si VP Sara noong Sabado sa Quezon City Hall of Justice kaugnay ng tatlong bilang ng mga kasong grave threats na isinampa ng Department of Justice (DOJ) kung saan nagbigay seguridad ang PNP.
Binigyang-diin ng PNP Chief na dapat tuloy-tuloy ng pagkilos gayundin ang pagsunod sa mga propesyunal na pamantayan para maibalik ang tiwala ng publiko sa pulisya.