Welcome sa Philippine National Police (PNP) ang 5% umento sa basic pay ng mga nasa unipormadong hanay simula sa susunod na taon.
Ayon kay PNP Chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., magsisilbing dagdag morale at kapakanan ng mga pulis na naglilingkod sa mga komunidad sa buong bansa
Kinikilala aniya ng naturang umento ang dedikasyon ng mga tauhan ng Pulisya na patuloy na ginagampanan ang kanilang tungkulin sa pagprotekta sa publiko.
Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), ₱73.7 bilyon ang inilaan para sa subsistence requirements ng mga military at uniformed personnel sa susunod na taon.
Naglaan din ng karagdagang pondo para sa personnel benefits, healthcare, kagamitan, at iba pang gastusin sa operasyon.
Para sa PNP, iminungkahi ang budget na ₱242.5 bilyon para sa 2027 upang suportahan ang mga pangangailangan ng organisasyon para sa personnel at operasyon.
Habang patuloy na ginagampanan ng mga pulis ang kanilang mandato na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan at protektahan ang mga komunidad.