Nilinaw ng Department of Agriculture (DA) na bumaba ang presyo ng baboy dahil sa pangambang muling kumalat ang African Swine Fever (ASF).
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., nagmadaling magbenta ang ilang hog raisers, na nagpababa sa farmgate prices.
Aniya, hindi pagdami ng imported pork ang dahilan ng pagbaba ng presyo.
Tumaas naman ng 5.6 porsiyento ang pork production sa second quarter sa 412,280 metric tons, ayon sa Philippine Statistics Authority.
Bumagsak din ng halos 19 porsiyento ang average farmgate price sa ₱172.44 kada kilo mula ₱ 211.91 noong nakaraang taon.
Samantala, inaasahang bababa ng 50,000 metric tons ang pork imports ngayong taon mula sa 851,760 metric tons noong 2025.
Inaasahan ng DA na makatutulong ang ASF vaccine sa muling pagpapalawak ng produksyon at pagpapatatag ng suplay ng baboy.