Hinamon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla si Vice President Sara Duterte na patunayan ang kaniyang mga alegasyon matapos na paratangan ng Pangalawang Pangulo na hinaharass umano siya ng Philippine National Police (PNP) mula 2024 hanggang sa panahong ipinaaaresto siya ng Korte dahil sa kasong Grave Threat.
Sa pulong balitaan ng DILG sa Kampo Crame ngayong umaga, sinabi ni Remulla na batay sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), dumaan sa tamang proseso ang pag-aresto sa Pangalawang Pangulo.
Giit ng Kalihim, dokumentado ang proseso ng pag-aresto at ibinigay sa kaniya ang karampatang kortesiya bilang ikalawa sa pinakamataas na opisyal ng bansa.
Minarapat ding ihain ang warrant of arrest sa tanggapan nito at maayos ding inihain ang warrant sa kaniyang bahay ng mga pulis na walang armas at ng mga babaeng tauhan ng CIDG.
Giit pa ni Remulla , DRAMA lang kasi ang nais ng Bise dahil gusto niyang makita siya ng publiko na nakakulong sa likod ng rehas na aniya’y hindi naman na kailangan lalo’t bailable naman ang kaniyang kaso.