Photo courtesy of Rep. Miro Quimbo
Inaprubahan ng House Committee on Ways and Means ang panukalang magbibigay ng hazard pay sa mga public prosecutor na nalalagay sa panganib dahil sa mga kasong kanilang hinahawakan.
Ayon kay committee chair Miro Quimbo, layunin nitong kilalanin ang mga panganib na kinakaharap ng mga prosecutor sa pagtupad ng kanilang tungkulin.
Saklaw ng panukala ang mga prosecutor na humahawak ng mga kasong maaaring maglagay sa kanila sa mga sitwasyong may mataas na panganib.
Sinabi ni Quimbo, na mahalaga ang papel ng mga prosecutor sa paghahanap ng hustisya kaya nararapat lamang na mabigyan sila ng kaukulang hazard pay.
Binigyang-diin niyang ang pag-apruba ng komite ay nangangahulugang posible at maisasakatuparan ang kinakailangang pondo para sa benepisyong ito.