Nakahanda na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa posibleng epekto ng muling pagpasok sa Philippine Area of Responsibility ng Bagyong Pilandok.
Ayon kay DSWD Spokesperson at Assistant Secretary Irene Dumlao, mahigit 3.2 milyon family food packs ang naka-preposition sa iba’t ibang strategic locations sa bansa.
Mayroon ding mahigit Php1.02 bilyong Quick Response Fund ang DSWD para sa pagtugon sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyo.
Samantala, mahigit 16,000 pamilya o higit 56,000 indibidwal ang kasalukuyang nasa 713 evacuation centers sa Regions 1, 3, Cordillera Administrative Region at CALABARZON.
Umabot na sa mahigit Php2.1 bilyon ang tulong na naipamahagi ng DSWD sa mga pamilyang naapektuhan ng magkakasunod na bagyo at habagat.