Palalakasin ng Pilipinas at Spain ang social security cooperation para mapabuti ang access sa benepisyo ng mga Pilipino sa Spain.
Ito ang napag-usapan nina Philippine Ambassador Philippe Lhuillier at SSS President at CEO Robert Joseph De Claro.
Isinusulong din ang Administrative Agreement para sa Social Security Convention ng dalawang bansa.
Layunin nitong mapadali ang pagsasama ng insurance periods at maiwasan ang dobleng kontribusyon.
Sa ilalim nito, maaaring pagsamahin ang kontribusyon sa dalawang bansa para makwalipika sa ilang benepisyo.
Muling bubuksan ang SSS Representative Office sa Philippine Embassy sa Madrid sa Setyembre 11, 2026 para sa mga serbisyo at transaksyon ng mga Pilipino.