Photo courtesy of Tanghalang Batingaw - Lyceum of the Philippines University (LPU) Manila
Ipagdiriwang ng Tanghalang Batingaw ng Lyceum of the Philippines University (LPU) – Manila ang ika-50 anibersaryo nito na may temang GEN50: ENCORE – An Endless Legacy.
Ang Tanghalang Batingaw ang opisyal na theater group ng LPU-Manila at ang “longest-running theater organization sa Intramuros, Manila”.
Tampok sa year-long celebration ang Grand Alumni Homecoming sa September 12, 2026 na magtitipon sa mahigit 200 alumni mula sa limang dekada ng organisasyon.

Bahagi ng programa ang Gawad Tanghalang Batingaw na kumikilala sa excellence, leadership, creativity, at service ng mga alumni mula sa iba’t ibang larangan.
Sa pangunguna ni LPU President Atty. Roberto P. Laurel, kabilang sa bibigyang pagkilala ang founders, former advisers, at former presidents ng Tanghalang Batingaw.

Kasama rin sa selebrasyon ang Pusong Batingaw, isang legacy initiative na naglalayong magbigay ng mas maraming oportunidad sa mga dati at kasalukuyan nitong miyembro, pati na ang Tanghalang Batingaw Theatre Festival na inaasahang gaganapin sa Nobyembre.
Sa limang dekada, hindi lamang pagtatanghal ang iniwan ng Tanghalang Batingaw, kundi mga kuwento, pagkakaibigan, at mga henerasyong patuloy na nagdadala ng kanilang natutuhan sa likod at harap ng entablado.