Isinusulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang climate resiliency sa Metro Manila sa pamamagitan ng Project LAWA at BINHI.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, 500 partner-beneficiaries sa Muntinlupa City ang sumailalim sa Cash for Training and Work.
Nagsimula ang programa noong September 2 at binubuo ng tatlong araw na training, 15 araw na community work, at karagdagang dalawang araw na pagsasanay.
Layunin nitong palakasin ang kaalaman sa disaster preparedness, agriculture, at livelihood, habang nagbibigay ng cash assistance sa mga benepisyaryo.
Sa buong bansa, umabot na sa 117,906 partner-beneficiaries ang natulungan ng DSWD sa ilalim ng climate adaptation program hanggang August 31.
Mula 2023 hanggang Hulyo 2026, nasa 376,446 beneficiaries na ang napagsilbihan ng Project LAWA at BINHI, na may mahigit ₱3.56 billion na cash assistance.