Plano ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na magtungo sa France at makipag-usap sa French Justice Ministry kaugnay ng tila pagiging hiding place nito ng mga personalidad na nahaharap sa mga kaso o imbestigasyon sa Pilipinas.
Ayon kay Remulla, kabilang sa mga nasa France ngayon sina dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co at Senador Loren Legarda.
Giit ni Remulla, nais niyang iparating sa French authorities na hindi dapat maging taguan ng mga mandarambong at ng nakaw na yaman.
Wala pa umanong impormasyon ang Ombudsman kung nag-apply na ng asylum sina Co at Legarda.
Si Co ay nahaharap sa plunder, malversation at graft cases kaugnay ng umano’y kickback scheme sa flood control projects habang si Legarda naman ay iniimbestigahan kasama ang anak niyang si Batangas Rep. Leandro Leviste kaugnay ng alegasyon sa solar firm nito.