Isinailalim ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa red alert status ang Visayas grid mula ala-una ng hapon hanggang alas-otso ng gabi ngayong araw.
Batay sa datos ng NGCP, nasa 2,284 megawatts lang ang available capacity ng grid, samantalang umaabot sa 2,470 megawatts ang peak demand.
Ayon sa NGCP, nasa 11 planta ang nasa forced outage ngayong Setyembre, habang 15 pa ang tumatakbo sa derated capacity — katumbas ng 919 megawatts na hindi magamit ng grid.
Kabilang sa mga dahilan ang hindi paggana ng malalaking coal plant na TVI 1 at PEDC 3, ang derated capacity ng THVI 2 dahil sa problema sa main steam nito, at ang limitadong power import mula Mindanao bunsod ng pagtaas ng demand forecast.