Nagtungo si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa Republic of Korea para muling tiyakin ang pangako ng Pilipinas na paigtingin at patatagin ang ugnayang pangdepensa nito.
Dito, nakipagpulong siya kay Korean Defense Minister Ahn Gyu-back sa Seoul para talakayin ang ibayong pagpapalakas ng alyansa gayundin ang kanilang strategic partnership.
Bahagi ito ng sidelines ng pagdalo ng kalihim sa Seoul Defense Dialogue na layong palawakin pa ang alyansa ng Pilipias sa anito’y like minded nations.
Kinilala rin ni Teodoro ang mahalagang ambag ng Republika ng Korea sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at kumpiyansa siyang magpapatuloy ang pagtutulungan ng dalawang bansa.
Nagpasalamat din ang kalihim kay Minister Ahn dahil sa hayagang pagsuporta nito sa Pilipinas kaugnay ng paggigiit sa 2016 Arbitral Ruling na naipanalo laban sa China sa isyu ng West Philippine Sea.
Matapos nito’y sasaksihan din ni Teodoro ang pagpaparangal sa tinaguriang “Bayaning Pilipino” sa Battle of Yultong noong 1951 na si Capt. Conrado Yap.
📸 DND

