Muling maghahatid ng tulong ang Office of Civil Defense (OCD) sa mga komunidad na naapektuhan ng pagbaha sa Bulacan.
Ito’y sa pamamagitan ng ikalawang yugto ng “Hatid Tulong sa Sambayanan” Relief Caravan ngayong September 8.
Ayon sa Office of Civil Defense (OCD), nakahanda ang mga M35 truck na may kargang 640 sako ng 50-kilogram na bigas, 2,600 bote ng anim na litrong inuming tubig, at 448 hygiene kits.
Target ng relief caravan na maabot ang mga binahang lugar sa Marilao, Bocaue, Balagtas, at Guiguinto, sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at iba pang response agencies.
Patuloy din ang pagbibigay-diin sa kaligtasan ng mga responder, kabilang ang pag-iingat laban sa Leptospirosis at iba pang panganib na maaaring dulot ng malalim na baha.
📸 OCD

