Anunsyo sa mga kawani ng pamahalaan.
Magkakaloob ng “LIBRENG SAKAY” ang Light Rail Transit (LRT) line 2 sa September 16, araw ng Miyerkules.
Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), bahagi ito ng kanilang pakikiisa sa ika-126 na anibersaryo ng Serbisyo Sibil (Civil Service).
Batay sa abiso, buong araw maaaring mag-avail ng “LIBRENG SAKAY” ang mga kawani ng pamahalaan sa nasabing petsa.
Ipakita lamang ang ID ng kinaaanibang ahensya sa mga security personnel ng bawat istasyon para makapasok.