📷 Kadiwa
Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) ang patuloy na pagpapalawak ng programang “Benteng Bigas Meron (BBM) Na” kung saan maipagpapatuloy ang pagbebenta ng ₱20 bawat kilo ng bigas para sa mga benepisyaryo at mahihirap na sektor hanggang 2028.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas kay DA spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, sinabi nito na bukod sa may higit 800 active sites na sa kasalukuyan, magbubukas pa ng mga bagong bentahan ngayong buwan sa iba’t ibang lalawigan tulad ng Cagayan, Camarines Sur, Agusan del Sur, Negros, at Surigao del Norte.
Ayon pa sa DA, sapat ang supply ng bigas sa bansa kasabay ng pag-uumpisa ng wet harvest season kung saan mag-iipon at bibili ng palay ang National Food Authority (NFA). Umabot na sa higit 12.1 milyong benepisyaryo ang nakinabang sa programa mula nang ilunsad ito noong Mayo 2025.