Nagsagawa ng security deployment ang mga tauhan ng Southern Leyte Maritime Police Station (SL MARPSTA) sa iba’t ibang pantalan sa lalawigan bilang bahagi ng pagpapanatili ng seguridad sa paggunita ng Undas 2026.
Kabilang sa mga pantalan na nilagyan ng mga pulis ang Port of Maasin, Port of Liloan, Port of Saint Bernard, at Port of San Ricardo.
Layunin ng nasabing operasyon na palakasin ang police visibility, subaybayan ang mga aktibidad sa mga pantalan, at tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga pasahero at iba pang gumagamit ng mga pasilidad.
Nagsagawa rin ang mga tauhan ng security monitoring at pagbibigay ng kaukulang tulong sa mga biyahero upang matiyak ang maayos, ligtas, at organisadong daloy ng mga pasaherong bumibiyahe ngayong Undas.
Ang aktibidad ay isinagawa sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PCPT RENO L. ACANGAN, Chief ng Southern Leyte Maritime Police Station, bilang suporta sa patuloy na kampanya ng Philippine National Police (PNP) na mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng publiko. Sa pamamagitan ng pinaigting na pagbabantay at presensya ng kapulisan, layunin ng SL MARPSTA na matiyak ang ligtas at maayos na paglalakbay ng publiko sa panahon ng Undas 2026.