Nasa 2,320 graduating college students sa Bukidnon ang makatatanggap ng P46.4 million na educational assistance mula sa Office of the President (OP).
Sa gitna ito ng pagsusulong ng mga hakbang ng Marcos administration upang masiguro na ang pinansyal na problema ng mga mag-aaral ay hindi magiging hadlang sa pagkamit ng mga ito ng inaasam na diploma.
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, hindi dapat mauwi sa wala ang mga pinaghirapan ng mga mag-aaral.
Ang tig-PhP20,000 na benepisyong matatanggap ng bawat presidential scholar sa ilalim ng Socio-Civic Projects ng OP ay makatutulong sa gastusin sa tuition balances ng mga estudyante.
Gayundin sa gastos sa transportasyon, learning materials, at iba pang school-related expenses hanggang sa maka-graduate na ang mga ito.
“Hindi dapat mapurnada ang ilang taong pagsisikap dahil lamang kapos ang pamilya sa panghuling gastos. Ang tulong na ito ay tulay patungo sa graduation at sa mas magandang buhay para sa kanilang pamilya,” —Recto.
Kung matatandaan, nasa higit 200,000 graduating students mula sa 42,000 barangays sa buong bansa ang inaasahang makikinabang sa Presidential Scholars Program.
“Ang pangarap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay hindi lamang magkaroon ng graduate sa bawat barangay, kundi paramihin ang mga kabataang may diploma, kasanayan, at pagkakataong maiangat ang kanilang pamilya at komunidad,” —Recto.