Mahigpit na binabantayan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang kondisyon ni dating House Speaker Martin Romuadez na kasalukuyang naka-confine sa Cardinal Santos Medical Center.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, mayroong cardiovascular event, unstable ang blood pressure, at dumaranas ng anxiety attack si Romualdez.
Dahil sa isyu sa kalusugan, sinabi ni Remulla na araw-araw nilang susubaybayan ang kalusugan ni Romualdez hanggang pwede na itong iharap sa korte.
Bilang bahagi naman ng seguridad, mayroon umanong mga armadong guwardiya na nakabantay sa labas ng kwarto ng dating mambabatas at mayroon ding mga armadong pulis sa lobby at sa labas ng ospital.
Dahil nahainan na ng arrest warrant sa kasong plunder dahil sa anomalya sa flood control projects, itinuturing na siyang person deprived of liberty o PDL.
Kagabi, sumailalim na ang booking procedure si Romualdez.
Gayunman, hindi nito nasuot ang orange detainee shirt dahil sa mga aparato na nakakabit dito ayon sa CIDG.
Samantala, iginiit naman ni Remulla na hindi permanente ang sitwasyon ni Romualdez.
Dadalhin umano siya ng mga awtoridad sa Payatas sa tamang panahon kung sabihin ng duktor na kaya na niya at kung sabihin man ng korte na doon siya ididetine