Photo courtesy of DPWH
Paiigtingin ng pamahalaan ang mga hakbang upang maiwasan ang pag-apaw ng Marikina River at mabawasan ang epekto ng pagbaha sa mga residente.
Ayon sa DPWH, kabilang sa plano ang paggamit ng floating trash traps, pagdaragdag ng mga tauhan at kagamitan para sa paglilinis, at dredging o pagtanggal ng naipong putik, basura, at iba pang materyales sa ilog.
Kahapon, nag-inspeksiyon sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., DPWH Secretary Vince Dizon, DENR Secretary Juan Miguel Cuna, Marikina Mayor Maan Teodoro, at Rep. Marcy Teodoro.
Sa inspeksiyon ni PBBM, pinuri rin niya ang sistema ng lungsod sa flood management at waste recycling na aniya’y maaaring magsilbing modelo para sa iba pang mga lungsod sa bansa.
Samantala, patuloy rin ang regular na dredging ng lokal na pamahalaan sa mga creek at iba pang waterways upang mapanatiling maayos ang daloy ng tubig ngayong tag-ulan, alinsunod sa direktiba ni Mayor Teodoro.