Nagtakda na ang Sandiganbayan Third Division ng pagdinig sa kahilingan ni dating House Speaker Martin Romualdez na ipagpatuloy ang kaniyang pagkakaospital habang nasa kustodiya ng korte.
Gaganapin ang pagdinig sa Huwebes, Setyembre 10, alas-8:30 ng umaga.
Inatasan din ng korte na ipatawag ang mga doktor na gumagamot kay Romualdez upang magbigay ng kanilang pahayag tungkol sa kaniyang kondisyon.
Inaasahan ang pagdalo ni Romualdez sa pagdinig, kung papayagan ng kaniyang kalagayan. Ang mosyon ay bahagi ng hiling ni Romualdez na manatili sa ospital habang nasa kustodiya ng korte.