Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na sumunod sa tama at legal na proseso ang warrant of arrest laban kay dating House Speaker Martin Romualdez.
Ayon kay PNP Chief Police General Jose Melencio C. Nartatez, Jr., mahigpit na sinunod ng mga pulis ang mga itinakdang protocol nang ihatid ang warrant sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City noong Setyembre 7.
Giit ni Nartatez, nananatiling walang kinikilingan at propesyonal sa pagpapatupad ng mga legal na kautusan ang pulisya alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Mananatili siya sa kustodiya ng pulisya sa ospital habang sinusuri ng mga doktor ng PNP at ng ospital. Inaasahang isusumite ang medical report sa Sandiganbayan para matukoy kung kailan magiging maayos ang kalagayan niya para humarap sa korte.
Binigyang-diin ng PNP Chief, na ang pagpapatupad ng PNP sa mga warrant na inilabas ng korte ay hindi nakadepende sa posisyon o katayuan ng taong sangkot.