Ibinalita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang pinakahuling resulta ng paga-aral ng Programme for International Student Assessment, kung saan lumabas na tumaas ang marka ng mga Pilipinong mag-aaral sa reading, mathematic, at science.
“The Philippines is considered one of the fastest improving educational systems globally with the strongest long-term improvement in reading amongst participating systems. Kung di naman po nakakatuwa ang balita niya. Muli ay napapatunayan kung gaano kagagaling ang ating mga mag-aaral na sila ay masipag at seryoso sa kanilang pag-aaral at kung gaano kagaling magturo ang ating mga guro.” —Pangulong Marcos Jr.
Ayon sa pangulo, kabilang ang Pilipinas sa iilang sistema ng edukasyon na umangat sa lahat ng larangan.
“Napakagandang balita mula sa Programme for International Student Assessment! Tumaas ang marka ng ating mga mag-aaral sa reading, mathematics at science. Kabilang ang Pilipinas sa iilang sistema ng edukasyon na umangat sa lahat ng larangan.” —Pangulong Marcos Jr.
Panawagan ni Pangulong Marcos sa mga Pilipinong maga-aral, ipagpapatuloy ang kanilang pagsusumikap na matuto at paunlarin ang sarili.
“Kaya’t wag po natin titigilan, hindi dito po sa ating administrasyon, hindi po natin titigilan yan. Mas lalo pa natin didiinan ng ating seryoso na pagtutugon.” —Pangulong Marcos Jr.
Ang pamahalaan aniya, lalo pang pagpapa-igting sa mga programa upang mas gumanda pa ang edukasyon at kinabukasan ng bawat batang Pilipino. “Basta’t sila ay supportado ng tama ng hindi lamang ng gobyerno, kung hindi pati ang buong komunidad, ang mga magulang at lahat ng ating mga kababayan na tumutulong para pagandahin ang mga kinabukasan ng ating mga anak. Kaya po ipagpapatuloy natin lahat ito; ipagpapatuloy natin lahat ng ating ginagawa.” —Pangulong Marcos Jr.