Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng San Lazaro Hospital sa Maynila sa iba pang ospital upang makatuwang sa gamutan ng mga pasyenteng tinamaan ng leptospirosis.
Karamihan sa mga pasyenteng tinamaan ng leptospirosis ay nagpapagamot sa San Lazaro Hospital sa Maynila.
Ayon kay Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante, sa isinagawang online special forum ng Philippine College of Physicians, kadalasan ay mga lalaki ang nagkakaroon ng leptospirosis dahil lumalabas sila upang maghanapbuhay o bumili ng pagkain kaya napipilitang lumusong sa tubig-baha.
Kaugnay nito, nasa edad 19 hanggang 30 ang karaniwang tinatamaan ng nasabing sakit, kasunod ang edad 31 hanggang 40, 41 hanggang 50, at 51 hanggang 60 pataas.