Itinutulak ng Department of Agriculture ang malawakang pagpapaunlad ng industriya ng palm oil sa bansa, upang mabawasan ang importasyon.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., halos 90 % ng pangangailangan ng bansa sa palm oil ay inaangkat.
Hinihiling ng DA ang hindi bababa sa Php 300 milyong pondo para sa palm oil development sa 2027.
Target ng pamahalaan na mapalawak ang mga plantasyon sa 300 libong ektarya, bagama’t malaking achievement na ang umabot sa 100 libong ektarya pagsapit ng 2028.
Sinabi rin ni Tiu Laurel na maaaring maging alternatibong lokal na supply ang palm oil para sa paggawa ng mas malinis na fuel.
Samantala, sinusuportahan ng DA ang pagpasa ng panukalang Palm Oil Bill bilang urgent measure. | ulat ni Rey Ferrer