Bumaba ng 41.77% ang naitalang focus crimes ng Philippine National Police (PNP) sa buong bansa nitong buwan ng Agosto.
Ayon sa PNP, 2,087 incidents ang naitala ngayong Agosto na mas mababa kumpara sa 3,584 cases noong August 2025.
Pinakamalaki ang ibinaba ng kaso carnapping of motor vehicles na bumagsak ng 67.74% habang 58.65% naman ang ibinaba ng rape cases.
Bumaba rin ng 53.64% ang motorcycle carnapping, habang nagkaroon din ng pagbaba sa physical injury, theft, robbery, at homicide cases.
Ayon kay PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., ipinapakita ng datus ang halaga ng tuloy-tuloy na police presence at crime prevention efforts.
Gayunman, sinabi ng PNP chief na hindi dapat maging kampante ang mga pulis at kailangang ipagpatuloy ang pagtugon sa bawat insidente para mapanatili ang public safety.