Target ng Department of Energy na mabigyan na ng suplay ng kuryente ang higit isang daang libong kabahayan sa mga liblib na lugar sa bansa sa tulong ng microgrid development.
Ayon sa DOE bumuo na ang departmaneto ng listahan para sa inisyal na 369 unserved at underserved areas sa 23 probinsya na magbebenepisyo sa microgrid.
Ang kabuuan nito ay nasa 101, 468 households sa mga probinsya ng Antique, Basilan, Bohol, Cagayan, Camarines Norte, Camarines Sur, Cebu, Davao Occidental, Dinagat Islands, Eastern Samar, Lanao del Sur, Marinduque, Masbate, Negros Occidental, Northern Samar, Palawan, Quezon, Southern Leyte, Sulu,
Surigao del Sur, Tawi-Tawi, Samar, at Zamboanga del Sur.
Sa pamamagitan nito magkaroon na ng ideya ang mga potential bidders sa mga lugar na lalagyan ng Microgrid Service at magkakaroon na ng preliminary technical assessment at investment planning upang mapabilis na magkaroon ng suplay ng kuryente sa mga liblib na lugar
Ayon naman kay Energy Secretary Sharon Garin malaki ang magiging ambag ng mIcrogrid system hindi lang sa suplay ng kuryente kundi sa pagpapaunlad din ng edukasyon, kabuhayan, serbisyong medikal, komunikasyon at ekonomiya ng mga komunidad na nasa liblib na lugar.
Alinsunod din ang microgrod development sa layunin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr na magkaroon ng sapat na suplay ng kuryente ang lahat ng mga tahanan sa bansa. | ulat ni Louisa Erispe