Sasamantalahin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbisita sa New Delhi ngayong weekend upang makipagpulong sa Indian business leaders.
Kung matatandaan, bilang Chairman ng 2026 ASEAN Summit, naimbitahan ang Pangulo na dumalo sa ika-18 BRICS Summit sa India.
Sa pre-departure briefing sa Malacañang, sinabi ni Foreign Affairs Asec. Analyn Ratonel na ang mga pakikipagpulong na ito ng Pangulo sa Indian business leaders ay upang i-follow up ang $5.8 billion investment pledges mula sa Indian companies na una nang inanunsyo noong 2025.
Ang mga pangakong pamumuhunan na ito ay may kinalaman sa linya ng teknolohiya, kalusugan, enerhiya, at imprastruktura.
”Ito pong meeting ng Presidente with business leaders in India, ang goal po nito ay to follow-up iyon pong pledges and commitments made by Indian companies last year. Kung matatandaan po ninyo ay bumisita doon si Presidente in August 2025, so ito po iyong pag-uusapan nila with the business leaders.” —Ratonel.
