Kinumpirma mismo ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. na maaaring i-request o hilingin ni Vice President Sara Duterte na i-withdraw o alisin na ang mga security detail na nakatalaga sa kanya bunsod ng umano’y kawalan nito ng tiwala sa mga ito.
Sa eksklusibong panayam ng PTV, binigyang-diin ni Teodoro na hindi na subject for review ang pagtatanggal ng security detail ng bise Presidente dahil sa bibig na umano niya nangggaling na wala na siyang tiwala sa mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakatalaga sa kanya.
Paglilinaw pa ng kalihim na ang mga itinatalagang security detail sa mga matataas na opisyal ng pamahalaan ay isang pribilehiyo at hindi isang uri ng karapatan.
Hinasa at sinanay din ang mga nasabing sundalo na gampanan ang kanilang tungkulin base sa kanilang mandato at hindi ito haluan ng anomang personal na pananaw.