Dumudulog at humihiling ng parallel investigation sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mga kaanak ng Philippine Navy trainee na si Aldwayne Dulnuan dahil sa posibleng foulplay umano sa pagkasawi nito
Matatandaan na si Dulnuan ay nasawi habang nasa training sa Zambales. Binawian ito ng buhay noong July 22, 2026 matapos na makaramdam ng hilo at mawalan ng malay nang tumakbo ng 5 kilometro.
Dati nang sinabi ng Philippine Navy na base sa inisyal na imbestigasyon heatstroke ang ikinamatay ni Dulnuan pero hinala pa rin ng kaanak ay may foulplay sa nangyari.
Ayon sa abogado at sa ina ng biktima, wala kasi silang natatanggap na update kaugnay sa buong imbestigasyon ng Philippine Navy kaya nais na nilang ipasilip sa NBI ang nangyari. Dati na ring nanawagan ng transparent na imbestigasyon ng Munisipalidad ng Kiangan sa insidente bilang taga-Ifugao si Dulnuan.