Pinapaubaya ni Senate President Sherwin Gatchalian sa Sandiganbayan ang pagdedesisyon kung maaaring makadalo sa sesyon ng Senado at sa impeachment trial sina Senador Rodante Marcoleta at Senador Jinggoy Estrada, na kasalukuyang nakakulong at nasa kustodiya ng korte.
Ayon kay Gatchalian, dahil nasa hurisdiksyon ng Sandiganbayan ang dalawang senador, kailangan nilang humingi ng permiso sa korte para makadalo sa mga proceeding.
Aniya, ganito rin ang naging proseso noong nakaraan para sa mga senador na nakadetine ngunit kailangang dumalo sa sesyon ng Senado.
Iginiit ni Gatchalian na hindi na kinakailangan pang magdesisyon ang Senado tungkol sa pagdalo ng dalawang senador.
Sa halip, ang Sandiganbayan ang magpapasya kung may sapat na dahilan para payagan sina Marcoleta at Estrada na dumalo sa sesyon o sa impeachment trial.
Matatandaang sa naging talakayan tungkol sa posibleng pagbabago ng voting threshold para sa conviction sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, nabanggit ang ipinadalang liham sa Senado ni Senador Rodante Marcoleta na humihiling na makalahok siya sa impeachment proceedings.